Maja Salvador: Sobrang grateful na talaga ako sa mga meron ako ngayon. Feeling ko parang who am I to ask for more? Sobra-sobra yung blessings ni God sa buhay ko. Pero may mga bagay ako na gusto ko pang ma-experience...mostly sa buhay ng isang normal na tao.
Me: What exactly do you want to experience as a normal person?
MS: It has always been my dream to have my own family. Yung pamilya na kumpleto at masaya. Na may simpleng buhay rin.
Me: Aww that's really nice. But I was wondering, magiging mas mahirap ba ma-experience yun as a celebrity?
MS: Not necessarily related naman to being a celebrity. But coming from a broken family myself, matagal na akong may longing na magkaroon ng buong pamilya. To the point na I promised myself na parang "One day, Maja, pag nagakapamilya ka, magiging maayos ang lahat. Magiging masaya lahat."
Me: Magiging answered prayer din yan!
MS: Of course! (laughs)
Me: You've been in this industry for so long na talaga. Paano mo nasabi sa sarili mo na ito talaga yung gusto mong gawin or paano mo na-confirm na ito talaga yung calling mo as a person?
MS: Hay naku, nakakalito rin naman ang buhay dito.
Me: Panong nakakalito?
MS: May mga times na maganda takbo ng career ko, may times din na parang walang kumukuha sa kin.
Me: Ooohh....
MS: Ang dali kasi sabihin pag sa times na successful ka na para talaga sa akin nga ang showbiz...pero siyempre may mga times na makakaramdam ako ng takot tsaka doubts.
Me: Ano yung mga tumatakbo sa isip mo tuwing nag-da-doubt ka?
MS: Parang mga 'Do I belong here? Dito ba dapat ang mundo ko? Masaya ba ako sa trabaho ko dito? Nakakatulong ba ako sa istorya through mga characters na pino-portray ko?'
Me: Oh, I see. But what kept you going?
MS: Yung mga sumo-suporta sakin. As in pag nakakarinig ka na ng mga magagandang salita and encouragements from them parang nakaka-fulfill. Lalo na when they say na naiinspire ko sila. Hay salamat 'di ba?
Me: Iba talaga pag ang motivation mo to work is to help others noh?
MS: SOBRA! Hindi sa nagpapaka-bayani, pero iba yung feeling na significant ka sa buhay ng iba. Yung na-mo-motivate mo sila. Doon ka mas gaganahan trumabaho.
Me: Now you can say na your work has the power to impact other people's lives.
MS: YES!
Me: How about your life naman?
MS: Ang laki rin ng na-grow ko as a person dahil sa work ko. Despite lahat ng napagdaanan kong masasakit na sailta from others, yung mga bashers siguro, mas natutunan ko maging positive and magkaroon kumbaga ng more faith kay God....kahit mahirap na or kung ano man...minsan wala ka na makapitan kundi prayers lang eh.
Me: I've always wanted to ask you this, since I've watched The Legal Wife myself, naiinis ako kay Nicole! Hahaha!
MS: NAKO! AKO DIN!!! Appear tayo diyan!
Me: Maling-mali!!!! Hahaha!
MS: Pero yun yun role na talagang na-expand yung skills ko siguro bilang actress. Yung role na yun yung nagpaintindi ng side ng mga tingin nating 'bad people'....pero sobrang pangit talaga maging 'mistress' kahit ano pang rason, kahit ano pang kwento. Ang mali, mali.
Me: Kaya in the end...
MS: Talo pa rin yung mistress!
Me: TAMA!!!!
MS: Haha! Galit na galit? Hahaha!
Me: Slight...medyo slight....Hahaha!
MS: Pati naman online, parang ang dami ngang galit sakin eh. hahaha! Actually pati si Ge [Gerald Anderson] naiinis kay Nicole.
Me: At least di ka nagpa-apekto sa mga nagagalit sayo during that time?
MS: Eh wala eh. Ginusto ko yung showbiz. Ginusto ko rin pumasok sa magulong mundo na ito. Kahit mahirap, masaya pa rin.
Me: I agree. Hindi naman dahil magaganda yung perks eh masaya na ang buhay, everything comes with a price.
MS: Alam mo yan!!
Me: Yes, buti andyan si God! Tsaka yung assurance Niya na you're here with a purpose. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng chance to be where you are now. You have all the opportunity to reach out to so many people and para maging good example sa mga tao.
MS: Yes, yan talaga! Trust God. Tsaka yung timing Niya. Dito sa showbiz, hindi mo talaga alam ang timeline ng career mo eh. Kasi in showbiz, hindi naman yan paunahan sumikat, kundi patagalan. Dasal at dasal ang pinaka makakapagpalakas sayo.
Me: Yeeeeeees!
MS: (flips hair) Ang deep!!! Hahaha!
Maja Salvador for IS The Breakthrough Issue and MEG The Love Issue. Please do grab your copies of it as well!
No comments:
Post a Comment